Sino makakapag-sabi na ang batang palaging absent sa klase since grade 4 ay magatatapos ngayon na Cum laude sa Polytechnic University of the Philippines? (Di ako nag-yayabang hehe) Naaalala ko pa na pag naumpisahan ako ng pag-absent sa isang linggo, tuloy-tuloy na yun hanggang sa pilitin na naman ako ng Parents ko na pumasok ulit sa klase. Nagtatago pa ako para lang di maka-pasok at uuwi lang ako ng bahay pag alam kong late na ako sa klase para hindi naako mapilit ng Parents ko na pumasok pa. (style ko yan, SRSLY! haha)
Nagsimula lang naman ako maing mahilig um-absent sa klase noong grade 4 ako. Naisip ko kasi nun na ang sarap pala mag-laro lang ng mag-laro. laro ng text, holen, agawan-base, mata-mataya at marami pang laro na kinahiligan ko. Tapos naging factor din sa pagiging absinero ko yung pagkahilig ko manuod ng TV. (Lalo na yung mga cartoons pag hapon gaya ng Zenki at BTX. astig yun dre!)
Sa awa ng Dios, (at ng mga maawaing teachers ko) naka-graduate ako ng elementary. Wala man akong honor nun at least naka-graduate. Ayos na yun. (asa pa?)
Nag Highschool na nga ako. Pinasok ako ng parents ko sa school kug saan nag-aral ang mga ate ko. Para daw at least kilala nila mga teachers ko. (Parang sure sila na magiging pala-absent na naman ako. haha) At tama nga ang parents ko, first week palang school year, tinamad na naman si Marlon pumasok sa klase. Sino ba naman kasing sisipagin pumasok nun kung mga isnabero't isnabera ang mga kaklase mo? (section 2 lang yung mga yun ah)
Um-absent ako sa klase for like 1 week at pagbalik ko wala na akong upuan. (Literal na walang upuan!) Yan naman talaga ang common na problema sa mga public schools e. Yun na nga ang bagong dahilan ko para tamarin na naman pumasok sa klase. Sa sobrang mahiyain ko kasi takot ako mag-approach ng mga classmates ko unless they are the first one to approach me. (isnabero ako e! haha)
Nagtuloy-tuloy ang pagiging mahiyain ko and at the same time, pagiging absinero ko hanggang 3rd year highschool. Noong 1st year section 2 ako at noong mag 2nd year ako na relegate ako sa section 4. Para sa akin ok lang naman kahit saan ako mapuntang section basta ba friendly ang mga kaklase. Noong 2nd year ko naging classmate ko naman yung pinsan ko so automatic meron akong friend and companion. Pero hindi pa rin yun nakatulong para maging masipag akong pumasok sa klase. (ewan ko ba kung bakit.) Siguro mahirap lang talaga mag adjust sa buhay highschool lalo na kung mahiyain ka.
Pero kahit palagi akong absent sa klase noong 2nd year ko, nag-e-excel na man ako kahit papaano so nung nag 3rd year ako naging section 2 na naman ako. (balik na naman ako sa section 2 >.<) Yung pinsan ko na classmate ko nung 2nd year ay na-retain sa section 4, so mag-isa naman ako. Ang saklap talaga maging mag-isa. (emo lang dre? haha)
Nagsimula na nga ang bagong school year. Syempre first few weeks medyo masipag pa ako pumasok (bago pa kasi mga notebooks at ballpens). Pero dumating yung time na feeling ko alienated na naman ako sa mga classmates ko. though I become friends naman to some of them.(conyo? duh! haha)
Sobrang tamad ko talaga pumasok sa klase lalo na sa P.E kasi nakakatakot yung teacher namin dun. Nangpapahiya talaga ng estudyante. Pag nasasalubong ko nga yung teacher kong yun sa campus, di ako maka-tingin sa kanya kasi natatakot talaga ako. Pero syempre hindi naman ako pwedeng forever absent sa P.E kasi paano ako papasa nun.
Pumasok na nga ako sa P.E. Super kabado ako. Syempre sino ba naman hindi kakabahan nun kung alam mo na mapapa-hiya ka sa harap ng mga classmates mo. Nag-start na sya mag check ng attendance at tinawag nya na ang last name ko, "Bigay!" sabi ko present po. Sabi nya welcome. At ang linyang hinding-hindi ko malilimutang sinabi nya, "Pumasok ka pa. Akala mo papasa ka? Sumulat ka muna kay Bernadette Sembrano para ipasa kita." (boom! giba ang mundo ko!)
Pero syempre di ako nagpadala sa sinabi nya. pumapasok pa rin ako at nagta-try mag catch up sa mga lessons at sa requirements na din. Pumasa naman ako sa subject na yun. Pero may isa pa akong subject na muntik ko nang i-summer class. Yung Chemistry (sino ba naman kasi sisipagin mag-memorize ng periodic table? bakit si Einstein ba kabisado yun?) Salamat sa adviser ko na si Ma'am Laguardia (dapat lang sya i-mention hehe) at pinasa ako ng teacher ko at hindi ko na kelangan mag summer class.
At dumating na ang aking huling taon sa highschool, naisip ko na kelangan ko na talaga mag-aral ng mabuti. Kahit pala-absent pa rin ako nung 3rd year, na-retain naman ako sa section 2. Pero kahit same section pa rin ako nung nag 4th year ako, iba pa rin ang mga classmates ko kasi yung mga classmates ko dati sa secyion 2 nung 3rd year ay section 1 na pagdating 4th year.
Mga bagong kaklase na naman at panibagong mga subjects at mga teachers. 1st grading period so-so lang ang mga grades ko pero sinusubukan ko nang hindi um-absent pero parang mahirap talaga. At yun na nga, dumating na ang 2nd grading period, (surprise surprise!) naging top 1 ako sa buong section namin. Naka-post ang name ko sa labas ng room namin at nakaka-tawa kasi ang tanong ng mga dumadaan sa room namin na tiga-kabilang section, "Sino yang top 1 nyo?" (di ako sikat e! haha) Since then naging kilala na ako ng mga teachers ko at yung physics teacher ko pa ay inuutusan ako mga check ng mga papers. (oo! biglaang teacher's pet ang peg ko)
Pero di naman ako nagtagal sa top spot, dahil pagdating 3rd grading period nawala ako sa top 10 ng klase. (haha! o di ba astig?) Feeling ko kasi na achieve ko na yung goal ko, ang maging top 1 so hindi na ako masyado nag sipag mag-aral. Hanggang 4th grading period yun.
Sa recognition day, wala akong medal kasi top 3 lang ang binibigyan ng medal after ng school year. Pero masaya na rin ako at natapos ko ang highschool on a higher note. Mataas ang average ko na requirement naman para makapasok ang isang estudyante sa PUP.
After 2 years ng pagpapahinga ko sa pag-aaral, nag take ako ng PUP College Entrance Test. Pinalad naman ako makapasa at itinuloy ko na nga ang pag-aaral ko. I took up Bachelor of Arts in English. (kelangan talaga inglis yung sentence na yun?)
Ngayon nga, May 2, 2012 naghihintay na lang ako ng araw ng aking graduation naisipan kong isulat 'to para mag-kwento ng buhay ko bilang absinerong estudyante.